Home > Letter Series - 15 day challenge > Letter # 11: Para sa BSB

Letter # 11: Para sa BSB

Tatagalugin ko kasi feel ko ang plastic pag in-english ko pa kayo! Haha!

Disclaimer: Hindi ito para sa Back Street Boys…

To Marc, Billy, Justin and Lorenz,

Para sa isang pagkakaibigan at samahan na nabuo sa pag-upo sa likuran ng isang bus papuntang baguio, (Kaya tayo naturingan bilang BACKSEAT BOYS) hindi ko alam kung paano at kung bakit umabot sa ganito kalalim ang ating pagkakaibigan. Siguro kailangan natin pasalamatan si BIG BROTHER nung evsem natin na pumilit sa atin sumayaw at gumiling na walang ibang suot kundi jacket na nakabukas (at shorts syempre) kahit si lorenz lang naman ang malambot ang katawan sa atin.

Tignan niyo to… ang picture na nagsimula ng lahat (syempre wala pa si billy kasi hindi pa siya papasa sa strains kung nag-apply siya nung year na yun) hahaha joke, billy!

Mula noong Baguio Evsem na yun ay ilang beses tayo nag-perform sa harap ng Strains na kadalasan ay nauuwi sa ating pagtatanggal ng damit na minsan nga boxers na lang suot natin. Hindi ko popost yung pictures na yun dito kasi nakakahiya. Hahaha. Sa isang taon bago dumating si billy (at naging active strainer) ay ilang tao na ata ang nakasama natin sumayaw pero nung nakita natin ang kagwapuhan at kagaguhan ni billy ay tsaka na natin nalaman na “we have found the missing BSB”. (oh, billy wag ka umiyak)

Malamang dahil sa kalokohan, kalandian at kagaguhan kaya tayo naging magkasundo. Lumalim lang ng husto nang tayo ay tumanda at dumaan sa samu’t-saring problema, tampuhan, pikunan at iba pang bagay na ating nalampasan.

Salamat, BSB na andyan kayo, laging kumpleto, sa mga panahong hirap ako at malapit na sumuko. Kayo ang pinaka-may kilala sa akin at kayo ang talagang pinagkakatiwalaan ko hindi lamang sa mga problema sa puso (na madalas ko atang naranasan) kundi sa buhay narin. Madami pang ibang bagay na pwede kong sabihin pero alam niyo na yun.

Salamat kasi tinuruan niyo ako manlandi (HAHAHA)

Salamat kasi tinulungan niyo ako manligaw (minsan)

Salamat kasi kaya niyo akong batukan para magising sa katotohanan

Salamat sa sobrang daming kagaguhan.

Lorenz at Justin, wag niyo na pakawalan si Nika at Andy!😀

Marc, alam mo na yun (di ko na ilalagay dito).

Billy, 2011 should be our year. HAHAHA.

Para ko na talaga kayong mga kapatid. With lorenz as the KUYA. (sorry kinailangan ko i-emphasize)

This poster says it all. Salamat, Boys!

P.S. Para kay Nika, Andy, Caly (at sa future girlfriend namin ni Billy boy). Ito theme song ng BSB – taken from our predecessors.

  1. Billy Joel Santos
    February 20, 2011 at 4:56 am

    HAHAHAHAHA KYOOOOOOOOOOOOOOT. dahil sinabi mong wag ako umiyak, umiyak ako. rebelde e. hahah😀 tsong may kwento kami ni marc sa’yo :)) may nangyari pa nung umalis ka e :))

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: