Home > Letter Series - 15 day challenge > Letter # 6: To my YAYA!

Letter # 6: To my YAYA!

 

Halos lahat naman siguro sa atin nagkaroon ng Maid or Yaya na nag-alaga sa atin nung tayo ay bata at habang nasa trabaho ang ating magulang – pero madami rin ang nakalimutang mag-pasalamat o minsan nga’y nakalimutan na kung sino sila…

Dear Yaya Susie,

Nais ko lamang magpasalamat sa pag-alaga sa akin noong ako ay bata pa. Salamat at pinapaliguan mo ako kahit ayaw ko, hinahawakan mo ang kamay ko pag-tatawid ng kalsada, salamat na ikaw nagtitimpla ng bote ko ng gatas – at hindi mo ako pinigilan nung minsan ay nilagyan ko ito ng coke. Madami pa akong mga dapat pasalamatan at alam ko hindi ko ito nasabi sa iyo bago ka umalis sa bahay namin at kahit narin doon sa mga pagkakataon na nakita kita.

Naalala ko ang legs mo. Mabuhok sila at akala ko ganun ang lahat ng legs ng babae..😐

Naalala ko na pinapakain mo ako lagi ng chocolate at pinipilit mo akong mag toothbrush kahit umiiyak ako dahil ayaw ko. Ayan tuloy bungi ako nung bata. Tama ka nga! Mawawala ng maaga ngipin ko dahil ayaw ko mag toothbrush! Buti na lang temporary lang yung mga yun! haha!

Naalala ko na pinagluluto mo ako ng sinigang sa tuwing may lagnat ako. Hindi ko alam kung utos iyon ng nanay ko pero salamat kasi yun lang ang tanging nagpapagaling sa sakit ko nung bata.

Naalala ko nung nasugatan ako dahil nadapa ako. Sabi mo wag na ako umiyak kasi malayo sa bituka yung sugat ko. Hindi ko nga alam kung ano yung “bituka” dati eh. Alam ko lang na hindi ako mamamatay kasi malayo sugat ko doon.

Pero may mga tanong ako sa’yo na hindi ko kasi alam ang sagot:

Talaga bang inuntog mo ako sa pader dati?

Talaga bang pinasok mo ako sa sako nung magulo ako?

HAHAHA! Hindi kasi ako sigurado eh. Ang alam ko, OO. Pero gusto ko lang din malaman mula sa’yo.

Pero kahit ginawa mo yun, salamat parin ng marami!! Naging malaking parte ka ng aking kabataan!

Promise, hindi na ako ganun kagulo ngayon!

Ang iyong alaga,

Miguelito

 

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: