Home > Life Series - Lessons Learned > Lesson # 14: From Graduation

Lesson # 14: From Graduation

Creative pic 08-09: Beatles

Nung isang araw napanuod ko via livestream yung ibang bahagi ng graduation rites ng batch 2010-2011. Tuloy naalala ko ang graduation ng batch 2009-2010. Tapos, napaisip nanaman ako…

Bilang sa huli akong tinawag nung graduation, (Na sobrang cool, by the way) nagawa kong mag-isip at mag-reflect habang pinapanuod ang ibang tao umakyat sa entablado, kunin ang kanilang diploma at magpauso ng kani-kanilang “bow”.

Bukod sa naaliw ako sa mga pangalan ng batchmates ko tulad nila “Magic Tiongson” na freshie ko nung Orsem nila, naisip ko na “Grabe, andami ko palang hindi kilala. At andami kong batchmate na never ko nakita.”

Akala ko kasi anlaki na ng mundo ko. Akala ko madami na akong kilala. Dun ko lang sa graduation, habang inaantay na matawag ang aking pangalan, naisip na sobrang dami pang pwedeng gawin, pwedeng makilala, pwedeng magawa.

Siguro masyado na akong nakuntento na madami na akong friends sa facebook, madami akong binabati at madaming bumabati sa akin kapag naglalakad sa school at pati na rin sa mga mall. Akala ko sapat na yun at akala ko talaga malaki na ang mundong aking kinagagalawan. Hindi pala.

14.1. ANG LAKI NG MUNDO. MADAMI PANG PWEDENG GAWIN, MAKILALA, MARANASAN at MATUTUNAN. Minsan lang talaga akala natin na nagawa at naranasan na natin ang lahat, pero hindi. Tapos eto pa, nung naramdaman ko yun sa graduation, mas lalo ko nakita ang kalakihan ng mundo nung nag-umpisa akong magtrabaho.

Naisip ko rin na ang swerte ko na sa batch 09-10 ako nasama (pero mahal ko ang batch 08-09 kasi andun ang mga talagang blockmates at mga kabarkada ko), pero kasi bukod sa pagiging tunay na sesqui batch, nagawa kong mag-enjoy sa aking 5th year dahil magaan ang load, nagawa kong maging close kay Fr. Ben, nagawa kong mag-lingkod ng isa pang taon bilang pinuno ng COA, nagawa kong kumilala ng mga tao na ngayon ay aking mga matalik na kaibigan, at higit sa lahat, nasama ako sa dalawang yearbook. (HAHAHA)

Creative pic 09-10: Axe Chocolate Man

14.2. Minsan ang mga bagay na hindi naman talaga kasama sa ating mga orihinal na plano (tulad ng 5th year, or 6th year para sa iba), nagiging biyaya parin dahil madami tayong nararanasan at natututunan mula sa mga ito.

14.3. Nakakamiss mag college. Sobra.

—————————————————

P.S. Ang laki ng difference ng write-ups ko sa dalawang yearbook.

 

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: