Archive

Archive for the ‘Teacher Series – Student Stories’ Category

Nagbago si Juan Tamad

This is an actual story written by my 3rd grade students in a public elementary school in Quezon City. The text is raw and typed as it was written by the kids themselves with minor revisions done with some (not all) punctuation marks. 

Story by Footballer Jervin and Engineer Ryan

 

May isang bata ang pangalan niya ay Juan Tamad. Tinawag siyang Juan Tamad dahil napakatamad niya. Minsan inutusan si Juan Tamag na bumili ng isda sa palengke.

 

Bumili naman siya pero sabi niya sa mga isda, “Hoy mga isda tinatamad akong umuwi. Pumunta kayo sa bahay namin. Ituturo ko ang daan pauwi. Dumerecho kayo tapos kumanan kayo at may makikita kayong tindahan at katabi ng tindahan ang bahay namin. Oh sige mauna na kayo at maglalaro muna ako.”

 

Dumating na si Juan sa bahay niya. “Juan, nasaan na yung pinabili ko sa’yo?” Tanong ng nanay ni Juan.

 

“Ha? Hindi pa sila dumarating?”, sagot ni Juan

 

“Anong hindi pa dumarating?”, sabi ng nanay

 

“Inutusan ko kasi sila”, sabi ni Juan

 

“JUAAAAAAAAAAN!!!” ganon na lamang ang sigaw ng mama niya sa kanya.

 

Isang araw may tumawag sa kanya na isang duwende. Isinama siya sa bahay ng duwende.

 

“Wow ang ganda dito gusto ko sanang tumira dito kaya lang paano si mama?” Sabi ni Juan

 

Sabi ng duwende: “Kukunin ka namin kapag hindi ka nagbago.”

 

“Oh sige magbabago na ako.” Sabi ni Juan. Pagdating niya sa bahay at yinakap niya ng mahigpit ang kanyang mama at tatay.

 

“Magbabago na po ako.”

 

The end.

Advertisements

Oh My Gulay

Oh My Gulay!

Oh My Gulay!

This is an actual story written by my 3rd grade students in a public elementary school in Quezon City. The text is raw and typed as it was written by the kids themselves with minor revisions done with some (not all) punctuation marks. 

Story by Doctor Alexa, 8 years old, grade 3 teacher

May isang bata na pangalan ay Grace at ayaw na ayaw niya ng gulay dahil daw mapait ang mga gulay. Pinipilit ng tatay niya na kumain sya ng gulay. Sabi naman ni Grace “ayaw ko ‘Tay pag gulay ang pagkain. Hindi ako kakain”. Sabi ng Tatay “magutom ka”. Tapos pagkain nila ay gulay.

“Grace, kain na tayo”. “O sige”. Pagkatingin ni Grace sa plato, “Ha! Bakit gulay? Hindi ako kakain lalabas muna ako”. Lumabas si Grace. Puro gulay sa labas. May napansin siyang parang may tumatakbo na mabilis. Sabi ni grace “Sino kaya iyon? Papasok na ulit ako sa bahay”.  Ay buti naman tapos na kayo kumain. Sabi ng Tatay “lumabas ka muna”. “Sige po”.

May nakita siyang nakatingin sa kanya. ANG GULAY. “Omy gulay bakit buhay ang gulay?”

Ako si Kalabasa. At ako naman si Carrot. Kami ang mga gulay. Hindi mo akalain buhay kami dahil nandito kami. Try mo itong gulay. Masarap at magustuhan mo siya. Omy Gulay! Tinikman ni Grace ang gulay. Thank you sa gulay. Mula ngayon kakain na ako ng gulay.

“Ang Batang Tamad”

Ang Batang Tamad by Ace and Ryan

Ang Batang Tamad by Ace and Ryan

This is an actual story written by my 3rd grade students in a public elementary school in Quezon City. The text is raw and typed as it was written by the kids themselves with minor revisions done with some (not all) punctuation marks. 

Story by Mechanic Ace and Engineer Ryan, both 8 years old, Grade 3 students

Isang araw ay naglalaro si Ren. Sabi ng nanay ni Ren “ay maligo ka na” at ang sabi naman ni Ren ay “ayoku pa inay maglalaro pa po ako.” “Hindi puwide anak aalis tayo.” “Ayoko po sabi ni Ren at lumipas ang isang araw hindi parin siya naligo kaya tuloy hindi siya sinama ng nanay niya kasi hindi siya naliligo.

Dumating ang kanyang nanay at nadatnan siya hindi pa nakapaligo tuloy ang kanyang ina ay nagalit at pinaligo siya pero ang sabi ni Ren “ayaw ko pa inay” at lalong nagalit ang kanyang ina at siya ay pinatulog ng hindi naligo kaya siya ay nilamok at inipis at siya ay nagsisi.

Mula noon siya ay naliligo na. Pagkagising niya sa umaga siya ay nagmumug ng bibig at naghilamos siya ng mukha at naghugas siya ng kamay bago kumain. Pagkatapos niya kumain naligo at nagsipilyo ng ngipin. At sabi niya sa kanyang nanay na “sorry po sa pagiging tamad ko at pangako ko po na hindi ko na uulitin.” Makalipas ang ilang araw siya ay naliligo no at araw-araw narin siya sinasama kapag umalis sila.

The end.

Mga dapat gawin sa umaga:

  1. Pagkagising sa umaga mag mumug at sipilyo ng ngipin
  2. Bago kumain maghugas ng kamay
  3. Pagkatapos kumain maligo at pagkatapos maligo magsuklay ng buhok
  4. Magbihis ng maayos na damit bago maglaro o mamasyal
%d bloggers like this: